Tuloy po kayo

Posted in Tuloy po kayo on September 17, 2008 by ella

Tuloy po kayo…sa bahay ng lagim….

Kung saan nabuo at naipon ang mga kuwentong nakakatakot, nakapangingilabot, kahila-hilakbot at kung minsan ay nakakatawa.

Samahan po ninyo si Ate Ella, sa kanyang pag-iisa sa malagim na dilim.


Misteryo sa bubong

Posted in Duwende, engkantada, kapre atbp. with tags on October 5, 2008 by ella

kapre

This is a true story.

Maysakit ang lola ko noon, ang lola ng tatay ko. Mga seven years ago na siguro ito. My lola died soon after.

Kinuha siya ni Tatay dahil wala nang mag-aalaga sa kanya sa probinsiya (namatay na lahat ng kamag-anak niya).  She was very old as in a couple of years shy of a hundred. She was totally bedridden but was still able to communicate  with whispered words and hand signals.

Important note nga pala, manggagamot ang lola ko, known to us all as albularya.

Ang bahay namin noon ay two storey din at siyempre may bubong na yero. Inilagay namin si lola sa tabi ng bintana sa second floor para may hangin naman siya kahit hindi sariwa. May katabing puno ng Indian mango ang bintana niya.

Isang linggo bago siya pumanaw, tinawag ako ni Lola sa tabi niya. Kahit hirap magsalita ang matanda, sinabi niya sa akin na may kapre sa punong mangga.

Ako: Nakita ‘nyo ba ang kapre Lola?

Lola: Nakausap…ko..

Ako: Huh? Kailan, Lola? Pumasok ba sa loob ng bahay o sumilip lang sa bintana?

Hindi sinagot ni Lola ang tanong ko. Nabwisit yata sa akin ang matanda. Pero naniniwala ako sa lola ko.

Noong maliit pa kami ni Ana, sa bahay niya sa bukid kami nagbabakasyon. Doon kami unang nakasaksi ng kung ano-anong kababalaghan. Siya ang dahilan kung bakit naniniwala kaming magkapatid sa mga maligno. You just can’t easily dismiss these weird childhood memories.

Kinagabihan, tinawag ulit ako ni Lola. Paglapit ko, itinuro niya ang mga sanga ng mangga sa labas ng bintana. Hindi ako tumingin! Ayoko nga. Eh kung may nakasilip na kapre! Biglang tumingala si Lola sa kisame. ‘Yun naman ang itinuro sa akin.

Titingala na rin sana ako sa kisame nang biglang magkaingay sa bubong. Parang binabato ng buong barangay ang bubong namin. Hindi malalaking bato, maliliit na bato ang tunog niya. Nagulat si Tatay na tahimik na nanonood ng TV sa sala. Pati si Ana ay nagising sa ingay sa bubong.

Kinalabit ako ni Lola habang nakatingala ako. Itinuro na naman ang puno ng mangga sa bintana. Napanganga ako sa nakita ko. Parang binabagyo ang mga sanga at dahon ng mangga. Wala namang bagyo. At kahit malakas na hangin ay wala.

Kung ipaliliwanag ko ang nangyayari sa puno, sasabihin kong may higanteng kamay na nakakapit sa katawan niya at inaalog ang puno nang walang humpay.

Bigla kong na-realize kung ano ang maingay sa bubong. Mga bubot na mangga! Maraming bunga ang punong ‘yon, maliliit pa nga lang. Sa lakas ng alog ng mga sanga, umuulan na ng bubot na bunga sa ibabaw ng bubong…at sa lupa.

Sa wakas, tumigil na rin ang ingay sa bubong namin. Tiningnan ko si Lola. Tulog na pero bakit mukhang nakangiti yata ang matanda? Tiningnan ko ang puno ng mangga. Walang kagalaw-galaw ang mga sanga at ang mga dahong natira.

Kinabukasan, takang-taka si Tatay.

“Umulan ba nang malakas kagabi?” tanong niya sa amin ni Ana. “Parang dinaanan ng bagyo ang mangga natin. Nagkalat ang mga bunga sa lupa. Marami rin sigurong mangga sa babaw ng bubong. Walang natira sa puno eh.”

“Walang bagyo, Tatay,” patay-malisyang sagot ko. “Nagwala lang kagabi ‘yung kapreng nakatira doon, sabi ni Lola.”

Patay-malisya rin ang sagot ni ama. “Ah, kaya naman pala eh.”

Hindi na kami nagtataka sa mga kababalaghan kapag nandiyan si Lola.

Abangan: Misteryo sa bubong part 2

kapre image from www.bigfootencounters.com

On myths, legends and folklore

Posted in Duwende, engkantada, kapre atbp. with tags , , , on September 28, 2008 by ella

Hindi lahat ng tao ay naniniwala sa mga maligno katulad ng kapre, duwende, laman-lupa, engkantada atbp. Hindi ko sila masisisi.

Kaya nga ang kategorya ng mga creatures na ito sa literature ay mythology, folklore, folk tales or fock you (corny dyok).

In Tagalog, mga kwentong kutsero noong araw, kuwentong barbero ngayon at mga Kuwento ni Lola Basyang for all seasons.

Hindi ko masisisi ang mga unbelievers pero susumbatan ko naman sila :evil:

Sigurado ba sila as in tiyak na tiyak na tayo lang ang nilalang ng Diyos? May personal memo ba sila galing kay God na nagsasaad ng ganito:

“Ok , guys, be informed that YOU are my ONLY creation. If you hear that some creatures (other than YOU)  walk this earth, don’t believe it. Or better yet DENY that these beings exist. Just scoff and call them myth.”

Ako eh hindi nakatanggap ng ganitong memo from the Big Boss kaya ayun, naniniwala tuloy ako sa mga maligno ngayon.

May masamang bisyo kasi tayong mga homo sapiens. Kapag hindi natin maipaliwanag ang isang bagay, o hindi maabot ng ating isip, o hindi mapatunayan ng agham, lalo na kapag hindi natin makita ng ating dalawang mata…IT DOES NOT EXIST.

If we don’t fully understand some shit, we’re afraid of it. And most people face their fears by denying the existence of that shit which scares them to hell.

Let’s make this premise a little more moronic. Nobody has seen air. Yet everyone believes it’s there. Why? Siguro dahil patay na bata tayong lahat kung wala siya. Literally.

Sa kabilang banda naman, kasabihan ni Lolo Hugo, “kung walang apoy, walang usok”.

Bawat culture ay may legends ng mga maligno. Dalawang bagay lang ‘yan. Either imbento sila ng mga ninuno natin na walang magawa sa buhay o totoo talaga ang tsismis.

Are they elaborate hoaxes handed down from generation to generation by our ancestors? Those ignorant psycho bitches who had nothing better to do than scare little children to death?

Doon ako sa totoo sila, guys. Girl scout ako eh. Mas maigi na ‘yung lagi akong handa sa pagsulpot ng mga impakto. Ayokong sabihin ang ganito someday… Oooops, pakshet, may maligno pala talaga!

Be careful what you wish for…

Posted in Duwende, engkantada, kapre atbp., Uncategorized with tags , , on September 19, 2008 by ella

From Batang Palaboy, thanks lab.

Takutin natin si Melinda

Posted in kwentong multo with tags on September 17, 2008 by ella

Si Ron at Rey  ay mga call center reps. Mga hambog na call center reps na madalas nababaog sa panggabing trabaho nila. Ang paborito nilang libangan ay manakot ng mga bagong pasok sa opisina.

Ang pananakot ay ginagawa ng dalawang ito sa pantry, sa elevator, o sa madilim na hagdan.

Si Melinda naman ay maganda, tahimik, mukhang tanga. Tatlong araw pa lang siya sa opisina nila nang makatuwaan ni Ron at Rey.

Ala-una ng madaling-araw, pagkatapos ng lunch break, pabalik na si Melinda sa station niya matapos kainin  sa pantry ang baon niyang kanin at itlog na maalat.

Ron:
Hey Melinda, hindi pa ba tapos kumain ‘yung kasama mo sa pantry?

Melinda: Ha? Wala akong kasama. Mag-isa lang akong kumain.

Ron: Anong wala? Nakita ka naming may kausap sa loob.

Melinda: Baka hindi ako ‘yong nakita mo.

Ron: (Kinalabit si Rey na nasa tabing station niya) Pare, hindi ba may kasama siya kanina sa pantry?

Rey: (Ngising-aso) Oo, pre. Mukhang close nga sila kaya nakakahiyang maki-join hehe.

Melinda: (Tumalikod sa dalawang lalaki at isinuot ang headset niya)  Mag-isa lang ako kanina. Guni-guni ‘nyo lang ‘yon.

Nagkatinginan ang dalawang lalaki. Hindi tumalab ang  pagtatangka nilang manakot. Napikon si Ron.

Rey: (pabulong na nang-aalaska) Hindi effective, pare, hehe. You’re losing your touch.

Ron: Tangina, hindi puwede  sa akin ‘yan, pare. Watch me.

Inabangan ni Ron na matapos ang shift ni Melinda. Nang pauwi na ito, pinigilan niya at kunwari ay may itatanong siya.

Ron:
Sabay na tayong bumaba, Melinda. Sa stairs na tayo dumaan. Maraming tao sa elevator. Nasa fourth floor lang naman tayo eh.

Melinda: Sige, pero madilim yata doon ah.

Ron: Don’t worry, kasama mo naman ako. At saka hindi ako rapist hehe.

Binuksan ni Ron ang pinto ng fire escape. Pinauna niyang bumaba si Melinda. Madilim nga ang hagdan. Isang bumbilyang dilaw lang ang ilaw sa  landing. Tahimik na tahimik. Nakakabingi ang bagsak ng mga sapatos nila sa bawat baitang ng hagdan. Pati paghinga nila ay may alingawngaw.

Sa third floor, tumigil sa pagbaba si Ron.

Ron: Teka, teka lang, Melinda. Hindi mo ba narinig ‘yon?

Melinda: Ang alin?

Ron: May umiiyak. O ayun ulit!

Tumigil si Melinda at tahimik na pinakinggan ang iyak na narinig ni Ron. Nandilat ang mga mata niya. Hindi lang iyak ang narinig niya! Kalunos-lunos ang panaghoy sa kabila ng pintong palabas sa third floor!

“Huhuhu! Maawa kayo sa akin…tulungan ninyo akooooo!”

Mabilis na bumalik si Melinda sa landing para buksan ang pinto. Parang galing sa hukay ang iyak na ‘yon! Pinigilan siya ni Ron.

Ron: Teka, hoy! Saan ka pupunta?

Melinda: Tulungan natin ‘yon. Baka kung anong nangyayari sa kanya!

Ron: Are you crazy? Eh kung hindi tao ‘yon?

Melinda: Ha? Ano sa palagay mo ‘yon, aso ?

Ron; (nauubos na ang pasensiya) May nagmumulto sa building na ‘to Melinda, ano ka ba? At dito raw sa third floor lumalabas ‘yon!

“Multo?” mahinang tanong ni Melinda.

“Oo, multo! Hindi ka ba natatakot?”

Dahan-dahang humarap si Melinda kay Ron. Unti-unting ngumiti. Ngising-baliw ang tingin ni Ron at hindi ngiti ang nakabalatay sa mukha ng kaharap niya. Nalito ang lalaki. Shet, nakakatawa ba ang multo? Binitiwan niya agad ang braso ni Melinda.

Si Melinda naman ang biglang kumapit sa braso niya. Nakangisi pa rin at nakatitig sa kanya. Hindi siya makakilos sa higpit ng hawak ni Melinda.

“Multo ba kamo? Ipakikilala kita sa tunay na multo, Ron.” Parang lukaret na humagalpak ng tawa si Melinda.

“Nilo, sweetheart, si Ron, ka-opisina ko. Ron si Nilo, boyfriend ko. Siya ‘yung nakita mong kasama ko sa pantry kanina.”

Hindi kumikilos si Ron sa kinatatayuan niya. Hindi niya makita kung nasaan ang Nilong sinasabi ni Melinda. Ayaw na niyang malaman.

“Isang taon na siyang patay pero hindi niya ako iniiwan,” nakangisi pa ring patuloy ni Melinda. “Kasama ko siya everywhere and all the time. Hahaha! Cool, no? ‘Yon nga lang, seloso ang boypren kong ito.”

Biglang umalingasaw ang masansang na amoy ng patay na daga sa likod ni Ron. May humawak sa balikat niya. Unti-unti niyang nilingon ang karugtong ng nabubulok na kamay. Humahagikgik pa rin si Melinda.

“Pare ko,” sabi ng naaagnas na bangkay ng boyfriend ni Melinda. “Bakit mo niyaya si Melindang mag-isa dito?”

“I’m really pissed off…” nag-Inglis pa ang nakakalbong bangkay.

Malakas ang  sigaw na galing sa hagdan. Tagos-kaluluwang pakiusap.

“Huwag poooo! Maawa kayoooo! Aaaaaah!”

Natawa si Rey habang nagtatago sa hallway sa third floor. Narinig niya ang sigaw ng kaibigan niya. O, teka hindi ba dapat ako ang sumisigaw? Pati ba naman script ko, pinapapel pa ni pareng Ron?

eyes